^

Titulo amoy na ng Air Force sa Spikers’

(Pang-masa) - November 21, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang panalo pa ang kai­langan ng Rai­ders pa­ra tuluyan nang ma­kamit ang korona.

Ito ay matapos pa­bagsakin ng Philippine Air Force ang Cignal HD TV, 25-15, 19-25, 25-19, 25-19, sa Game One ng Spikers’ Turf Sea­son 1-Reinforced Con­ference Finals kaha­pon sa The Arena sa San Juan City.

Sinandalan ni Rai­ders’ coach Rhovyl Ve­rayo ang kanyang six-man rotation sa pa­ngu­nguna ni Jeffrey Ma­­­labanan na tumapos na may 17 points para ta­lu­nin ang HD Spikers at ku­nin ang 1-0 abante sa kanilang best-of-three title showdown.

Tumulong naman si­na Rodolfo Labrador, Reyson Fuentes, Ruben Inaudito at Edwin To­lentino kay Malaba­nan nang maglista ng pi­nagsamang 41 points.

Bukod kay setter at libero Raffy Mosuela,  gi­namit din ni Verayo si­na Mike Abria at Pit­rus de Ocampo.

“We decided to go with our main guys be­cause they’ve been pla­ying well the whole con­­ference,” wika ni Ve­­­rayo.

May pagkakataon ang Raiders na tuluyan nang angkinin ang titulo sa panalo sa HD Spikers sa Game Two sa Miyer­kules.

Kung makakapuwersa ang Cignal ng Game Three ito ay gagawin sa Disyembre 5.

Nakahugot ang HD Spikers ng pinagsamang 30 points kina Edmar Bonono at Lorenzo Capate, Jr.

Subalit hindi ito sapat para gibain ang Air Force, hangad na ma­ging kauna-unahang ha­ri ng Reinforced Confe­rence.

Sa labanan sa third place trophy, ipinoste ng PLDT Home Ultera ang 25-14, 25-22, 23-25, 25-19 panalo kontra sa Navy sa kanilang series opener.

Kumamada si Mark Gil Alfafara ng 20 hits, tampok ang 17 kills, ha­bang nagdagdag sina Kheeno Franco, Henry James Peca-A at Jayson Ramos ng 17, 12 at 10, ayon sa pagkakasunod, pa­ra sa 1-0 bentahe ng Ultrafast Spikers sa kanilang best-of-three se­ries ng Sailors.

Nagsalansan si Razzel Palisoc ng 16 points, samantalang may 12 mar­kers si Nur Amin Mad­sairi para sa Navy.

ACIRC AIR FORCE ANG CIGNAL EDMAR BONONO EDWIN TO GAME ONE GAME THREE GAME TWO HENRY JAMES PECA-A SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with