Accel Quantum-3xVI UAAP Press Corps Player of the Week
(Pang-masa) - September 28, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Hindi lamang sa pagpuntos naipakita ni Kevin Ferrer ang kanyang kahalagahan sa UST Tigers.

Sa isang time-out na tinawag ni coach Bon dela Cruz, sinabi nito na si Ferrer mismo ang nagsalita para himukin ang mga kakampi na ilabas ang tunay na laro sa huling yugto.

“We were flat on defense in the first three quarters and Kevin huddled the team and they responded well,” ani Dela Cruz.

Hindi lamang sa salita naging ehemplo si Ferrer dahil pumukol siya ng 11 puntos, na kinabilangan ng tatlong triples, para makabangon ang Tigers mula sa 16 puntos na pagkakalubog tungo sa 68-58 tagumpay laban sa Ateneo Eagles.

May career-high  na 27 puntos si Ferrer na pinagningning ng 6-of-10 shooting sa 3-point line para mailista ng Tigers ang ikaapat na panalo sa limang laro.

Nilalagnat pa si Ferrer sa lagay na iyon kaya’t ang kahanga-hangang tapang at liderato na ipinakita ay sapat na  para ibigay sa kanya ang ACCEL Quantum/3XVI-UAAP Press Corps Player of the Week citation.

“You can’t question Kevin’s heart,” dagdag ni Dela Cruz.

Si Ferrer ang ikala-wang UST player na binigyan ng citation kasunod ni Ed Daquioag. (AT)

ACIRC ANG ATENEO EAGLES CRUZ DELA CRUZ ED DAQUIOAG FERRER KEVIN KEVIN FERRER PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK SI FERRER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with