_pang-masa
^

PM Sports

Narvasa guest speaker sa PBAPC awards

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatayong guest speaker ang bagong PBA Commissioner na si Chito Narvasa ng PBA Press Corps (PBAPC) para sa kanilang Annual Awards Night bukas sa Century Park Hotel.

Si Narvasa, ang pang-siyam na PBA Commissioner, ang sumalo sa puwestong binakante ni Chito Salud mula sa unanimous vote ng board of governors.

Naging coach ng Shell at Purefoods, si Narvasa ay naging pangulo din ng Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP).

Siya ay anak ng yumaong si da-ting Chief Justice Andres Narvasa.

Ang formal affair na inihahandog ng SCBC-8 Entertainment Corporation at ng Accel ay magsisimula sa ganap na alas-7 ng gabi.

Sasamahan ni Narvasa ang PBAPC sa pagpaparangal sa mga top achievers ng nakaraang season na tinatampukan ng pagbibigay sa ‘Baby Dalupan” Coach of the Year award kay San Miguel Beer mentor Leo Austria.

Tinulungan ni Austria ang Beermen sa pag-angkin sa korona ng Philippine Cup at ng Governors’ Cup.

Tatanggapin naman ni 40th season chairman Pato Gregorio ang “Danny Floro” Executive of the Year award.

Ang iba pang gagawaran ng para-ngal ay sina June Mar Fajardo (Gerry’s Grill-Defensive Player of the Year), Calvin Abueva (Mr. Quality Mi-nutes), Alex Cabagnot (Comeback Player), Paul Lee (Order of Merit), Terrence Romeo (Scoring Champion) at ang All-Rookie Team nina Stanley Pringle, Chris Banchero, Jericho Cruz, Matt Ganuelas-Rosser at Jake Pascual.

 

ALEX CABAGNOT ALL-ROOKIE TEAM ANG ANNUAL AWARDS NIGHT BABY DALUPAN BASKETBALL COACHES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES CALVIN ABUEVA CENTURY PARK HOTEL CHIEF JUSTICE ANDRES NARVASA CHITO NARVASA CHITO SALUD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with