Rosario sa Talk ‘N Text?
NB (Pang-masa) - August 24, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Nagparamdam si Talk ‘N Text coach Jong Uichico na maaaring magkaroon ng trade sa pagitan ng Texters at Mahindra (dating Kia) na magdadala kay No. 2 pick Troy Rosario sa Tropang Texters.

Binantayan ng TNT group at ni Alaska Milk coach Alex Compton ang mga kaganapan sa 2015 Gatorade PBA Rookie Draft sa pamamagitan ng internet, ilang oras bago sila umuwi ng Manila matapos sumabak sa Toyota Four Nations Cup sa Estonia.

Sinabi ng isang Talk ‘N Text source na pinaplantsa na nila ang ilang “minor details” para sa trade kay Rosario.

Isang three-way trade deal na sangkot ang NLEX kung saan makukuha ng Road Warriors si TNT guard Kevin Alas.

Mula sa Estonia ay tinanggap si Moala Tautuaa ng Talk ‘N Text team nina Uichico, assistant coach Josh Reyes at kakamping si Matt Rosser nang tawagin ang kanyang pangalan ni PBA commissioner Chito Narvasa bilang No. 1 pick sa Rookie Draft sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila noong Linggo.

Nang tawagin ang pangalan ni Tautuaa bilang top draft selection, ibinigay nina Rosser at Reyes sa Fil-Tongan player ang isang Talk ‘N Text shirt at sinamahan ni Uichico sa isang vi-deo shoot ng sports5.ph.

Narinig din ni Tau-tuaa, isang practice player at reserved naturalized player ng Gilas team na sasabak sa 2015 FIBA Asia Championship sa China sa susunod na buwan, ang sinabi ng kanyang magulang sa isang TV interview sa Manila.

Sa iba pang balita, nakuntento ang Globalport sa pagkakahugot kay guard Roi Sumang bilang No. 26 overall.

“Our prayers were answered,” ani team owner Mikee Romero sa pagpili nila kay Sumang sa third round. “I’m still dazed and puzzled how we got Roi Sumang at No. 26. Prior to the draft, our management were busy trying to get a first or second-round draft pick to be used at getting Roi Sumang.

 

ACIRC ALASKA MILK ALEX COMPTON ANG ASIA CHAMPIONSHIP CHITO NARVASA JONG UICHICO JOSH REYES KEVIN ALAS N TEXT ROI SUMANG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with