Accel PBa Press Corps Player of The Week
RCadayona (Pang-masa) - March 30, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Bukod kay import Denzel Bowles, sina forward Joe Devance at playmaker Mark Barroca ang naging susi rin ng nagdedepensang Purefoods para umabante sa semifinal round ng 2015 PBA Commissioner’s Cup.

Kumamada ang 6-foot-7 na si Devance ng mga averages na 13.0 points, 6.0 rebounds at 5.0 assists sa two-game sweep ng Hotshots laban sa Alaska Aces sa kanilang best-of-three quarterfinal series patungo sa Final Four.

Naglista naman ang 5’10 na si Barroca ng mga averages na 14 points, 4 rebounds at 3 assists sa quarterfinals series.

Dahil dito ay kinilala sina Devance at Barroca bilang Accel-PBA Press Corps. Player of the Week.

Nagposte ang 2008 top rookie pick ng 10 points, 8 assists at 7 rebounds sa 120-86 pagdomina ng Purefoods sa Alaska sa Game One. Sa Game Two ay kumolekta naman si Devance ng 16 points, 4 rebounds, 3 assists at 2 blocks para sa 96-89 panalo ng Hotshots sa Aces at kumpletuhin ang kanilang quarterfinals sweep.

Sisimulan ng Purefoods at ng Talk ‘N Text ang kanilang best-of-five semifinals series bukas.

ALASKA ACES BARROCA DENZEL BOWLES FINAL FOUR GAME ONE JOE DEVANCE MARK BARROCA N TEXT PLAYER OF THE WEEK PRESS CORPS PUREFOODS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with