2 trainers umabot na sa P1M
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - October 23, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dalawang trainers pa ang kumabig ng mahigit isang milyong kita matapos ang buwan ng Setyembre.

Sina RR Yamco at RP La Rosa ang mga bagong milyonaryo sa mga trainers para umakyat sa lima ang nasa  kategoryang ito.

Siyam na panalo ang nailista ng mga kaba­yong sinasanay ni Yamco para lumundag mula sa ikaanim tungo sa ikaapat na puwesto.

May 55 panalo, 50 segundo, 81 tersero at 82 kuwarto puwesto si Yamco para umabot na sa P1,055,843.06 ang kinita.

Si La Rosa ang nasa ikalimang puwesto bitbit ang P1,043,003.77 premyo sa 74 panalo 49 segundo, 31 tersero at 23 kuwarto puwesto.

Una pa rin si Ruben Tupas pero patuloy ang pagdikit ni Conrado Vicente habang nanatili sa ikatlong puwesto si Dave dela Cruz.

Si  Tupas ay may 105-105-93-97 una hanggang ikaapat na puwesto marka para sa P2,481,958.32 kita.

Umabot na sa 133 ang panalong nakuha ng mga kabayo na ginagabayan ni Vicente bukod sa 128-105-88 pangalawa hanggang sa pang-apat na puwesto tungo sa P2,446,873.19 premyo.

Si Dela Cruz ay may P1,952,040.72 sa 117-92-100-90 karta.

Nasa ikaanim na puwesto si JC Pabilic ta­ngan ang P977,764.11 (58-59-39-65), si MM Vicente ang nasa ikapito sa P969,460.33 (47-51-61-62), si RC Hipolito ang nasa ikawalo sa P961,792.24 (35-25-16-16), nasa ikasiyam si JA Lapus sa P920,456.19 (40-66-66-96), at si RR Henson ang nasa ika-10 puwesto sa P914,997.36 (52-53-34-38). (AT)

CONRADO VICENTE LA ROSA NASA PUWESTO RUBEN TUPAS SI DELA CRUZ SI LA ROSA VICENTE YAMCO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with