Fisher bigo sa kanyang coaching debut
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - October 10, 2014 - 12:00am

HARTFORD, Conn. – Natalo si Derek Fisher sa kanyang coaching debut para sa New York Knicks nang umiskor si Jared Sullinger ng 23 points upang ihatid ang Boston Celtics sa 106-86 preseason win nitong Miyerkules ng gabi.

Lumaro si Fisher ng 18 seasons sa NBA bago niya pinalitan ang sinibak na coach na si Mike Woodson noong June. Ang Knicks ay tumapos ng 37-45 win loss record noong nakaraang season at hindi umabot sa playoffs, isang taon matapos pangunahan ang Atlantic Division at nakarating pa sa Eastern Conference semifinals.

Pinangunahan ni Tim Hardaway Jr. ang Knicks sa kanyang 18 points at nagdagdag si Carmelo Anthony ng 10 points mula sa kanyang 3-for-9 shooting.

Sina Kelly Olynyk at Marcus Thornton ay may tig-12 points para sa Celtics na nanalo sa Philadelphia, 98-78 noong Lunes sa kanilang preseason opener. Sina Avery Bradley at Marcus Smart ay may tig-11 points.

Sa Berlin,  isang running floater ang pinakawalan ni dating Xavier forward Jamel McLean mula sa free throw line bago maubos ang oras upang ihatid ang Alba Berlin sa 94-93 panalo laban sa NBA champion San Antonio sa exhibition opener ng Spurs.

Nagpakawala si dating Villanova guard Reggie Redding ng 3-pointer para sa Alba,  5.1 seconds ang natitira para sa 93-92 iskor bago inagaw ang inbound pass ni Tim Duncan na nagbigay daan sa winning basket ni McLean.

Si McLean ay may 18 points at 10 rebounds para sa eight-time German champion Alba.

Si Tony Parker ay may 28 points para sa Spurs, si Duncan ay may 14 points at 10 rebounds at si Kawhi Leonard ay may 14 points.

Tumira ang Boston ng 48 percent mula sa field at may 11-of-22 sa 3-point attempts.

Umiskor si Sullinger ng walong puntos sa fourth quarter kung saan umabot sa 27-puntos ang kalama-ngan ng Celtics.

Susunod na kalaban ng Spurs ang six-time Turkish champion na Fenerbahce sa Sabado sa Istanbul.

Sa iba pang pre-season game, nanalo ang Washington sa New Orleans, 94-89; pinaluhod ng Philadelphia ang Charlotte, 106-92; natakasan ng Milwaukee ang Memphis, 86-83; at pinasadsad ng Denver ang Oklahoma City, 114-101.

ALBA BERLIN ANG KNICKS ATLANTIC DIVISION BOSTON CELTICS CARMELO ANTHONY DEREK FISHER EASTERN CONFERENCE JARED SULLINGER KAWHI LEONARD POINTS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with