Phl jins may kumpiyansa
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - September 30, 2014 - 12:00am

INCHEON, South Korea – Gagawing mis-yon ng Phl taekwondo team na bigyang buhay ang lumalaylay na kampanya ng Phil Team sa kasalukuyang 17th Asian Games.

Sasabak na ang apat na Pinoy jins sa pagsisi-mula ng taekwondo event ngayon na gagawin sa Ganghwa Dolmens Gymnasium dito.

Mangunguna sa kampanya ng mga Pinoy jins si Samuel Thomas Harper Morrison, silver medalist sa World University meet na haharap kay Wong Soi Chun ng Macau sa  men’s 74kg  sa round- of-32.

Bukod sa Fil-Am na tubong Olongapo City, nakatakda ring lumaban sina Luisa Ronna Ilao, Nicole Abigail Cham at Kristhoper Robert Uy.

Haharapin ni Ilao si Doan Thi Huong Giang ng Vietnam sa women’s 49kg, makakasukatan ni Cham si Phongsi Sarita ng Thailand sa women’s 53kg sa round-of-16 at mapapalaban si Uy kay Hao Chao ng Macau sa  men’s 74kg sa round-of-32.

Umaasa ang executive director ng PTA na si Sung Chon Hung na makapag-uuwi ng medalya ang kanyang mga jins na sasabak sa giyera na armado ng malawak na karanasang nakuha sa kanilang pagsasanay sa labas ng bansa.

Maging si Chief of Mission at PSC chairman Ricardo Garcia ay kumpiyansang mahihigitan ng mga jins ang kanilang naiuwing apat na tanso sa nakaraang Asian Games sa Guanzhou, China dahil sa kanilang pagsasanay sa Seoul ng halos isang buwan bago dumating ang naturang quadrennial meet.

Sumali rin ang mga jins sa iba’t ibang torneo na pinondohan ng PSC kabilang na rito ang Uzbekistan at Korea Open. (BRM)

ASIAN GAMES CHIEF OF MISSION DOAN THI HUONG GIANG GANGHWA DOLMENS GYMNASIUM HAO CHAO KOREA OPEN KRISTHOPER ROBERT UY LUISA RONNA ILAO MACAU NICOLE ABIGAIL CHAM
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with