^

PM Sports

Valmonte at Aglipay sinuspinde ng Philracom dahil sa anomalya

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Philippine Racing Commission (Philracom) sina Santa Ana Park racing manager Dan Valmonte at  handicapper Allan Aglipay nang nagpalusot ng mga kabayong hindi pa puwedeng itakbo sa mga karerang idinaos sa nasabing race track sa Naic, Cavite.

Dalawang buwan na suspendido si Valmonte habang apat na buwan naman ang kaparusahan ni Aglipay sa naging kaso.

Itinalaga pansaman­tala sa puwesto ni Valmonte si Rommel Fernandez habang si Armand Gonzalez ang uupo bilang handicapper ng racing club na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) habang sinisilbihan ang kaparusahan ni Aglipay.

Lumabas sa pagsisiyasat na may mga kaba­yong nakalusot at nakatakbo sa mga paka­rera ng nasabing ra­cing club gayong ipinagbabawal pa ang mga ito na tumakbo.

Ang isang kabayo ay  hindi puwedeng sumali sa isang karera kung ito ay sinuspindi, di pa kumpleto ang bakuna o hindi pa sumasailalim sa isang barrier race.

Ang mga kabayong nakalusot ay galing sa horse owner na si Rafael Larosa at siya ay pinatawan din ng anim na linggong suspension.

Ipinagpapasalamat lamang ng Philracom na walang nanalo sa mga illegal na kabayo na tumakbo dahil kung hindi ay tiyak na malaking kaguluhan ito.

Umaasa rin ang Philracom na ang ipinataw na suspensyon ay sapat na upang malinaw na maiparating ang kanilang mensahe na hindi nila palalampasin ang mga tiwaling gawain sa horse racing upang patuloy na bumalik ang pagtitiwala ng mga mananaya.

Unti-unti ng bumabangon ang industriya kung  kita ang pag-uusapan dahil sa mga reporma na ginagawa ng Komis­yon sa pa­ngunguna nina chairman Angel Castano Jr. at ng mga board of commissioners sa pangu­nguna ni Jess Cantos na siya ring executive director.

Samantala, makakasama ang Philracom sa gaganaping Kabisig Philippine Government Expo and Trade Fair 2014 sa Events Center ng SM City Fairview.

Ang aktibidades ay magsisimula sa Lunes, Hunyo 16, at matatapos sa Biyernes at ang tema nito ay “Matuwid Na Daan, Susi sa Tagumpay at Kaunlaran.”

Ito ang ikalawang sunod na taon na sasali ang Philracom sa Fair at gagamitin nila ito para maipakilala pa ang horse racing sa madla.

Bilang bahagi ng promotion, kasama sa booth ng Philracom ang mga hinete na naka-uniporme at sasagot sa mga posibleng katanungan hindi sa pagiging isang jockey.

Sina Castano kasama ang buong Board of Commissioners ay dadalo sa opening ceremony sa Lunes na kung saan si Pangulong Benigno Aquino III ang siyang inaasahan na magiging panauhing pandangal. (AT)

 

 

vuukle comment

AGLIPAY

ALLAN AGLIPAY

ANGEL CASTANO JR.

ARMAND GONZALEZ

BOARD OF COMMISSIONERS

CITY FAIRVIEW

DAN VALMONTE

PHILRACOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with