^

Cycling Pilipinas maghahanda

(Pang-masa) - March 23, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Lalahok at magsasa­nay ang LBC-MVP Sports Foundation Cycling Pilipinas, binubuo ng mga batang siklista ng bansa, sa Europe bilang paghahanda sa 17th Asian Games na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Ok­tubre 4 sa Incheon, South Korea.

Babanderahan nina Ro­nald Oranza at Rustom Lim, miyembro ng ko­ponang nag-uwi ng bronze medal sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar, ang nasabing grupo.

Sasabak ang tropa sa ilang UCI 1.1 races sa Spain at sa Netherlands.

Ang iba pang miyembro ng LBC-MVP Sports Foundation Cycling Pilipinas  ay sina Mark Bonzo, Jemico Brioso, Joshua Carino, Ronald Lomotos at Junrey Navarra.

Ang grupo ay sumegunda sa overall team race ng LBC Ronda Pilipinas.

ASIAN GAMES JEMICO BRIOSO JOSHUA CARINO JUNREY NAVARRA MARK BONZO RONALD LOMOTOS RONDA PILIPINAS RUSTOM LIM SPORTS FOUNDATION CYCLING PILIPINAS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with