^

Anak na insecure sa kulay ng balat

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - March 15, 2020 - 12:00am

Dear Vanezza,

Yung anak kong babae ay iba ang trip na panay ang order sa online ng mga Korean cream o products  na pampaputi. Para raw pagbalik sa eskuwela ay pumuti na siya. Lagi raw siyang binu-bully dahil sa kanyang pagiging negra. Paano ko matutulungan ang anak ko na hindi ma-bully? – Nanay Isay

Dear Nanay Isay,

Kapag puwede nang bumalik sa school at saka isumbong ang nangyayari sa iyong anak. Ituro sa anak na mas pagtuunan ang kagandahang loob na hindi kumukupas, kasya sa panlabas na anyo. Ituro rin sa anak na magkaroon ng tiwala sa kanyang sarili at huwag pansinin ang sasabihin ng iba. Sa halip ay gawin niyang assest ang kanyang black beauty, imbes na ma-insecure sa kulay nito.

Sumasainyo,

Vanezza

 

INSECURE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with