Zombie Family (377)
Gilda Olividado (Pang-masa) - March 11, 2020 - 12:00am

SATISFIED na naman si Jose Comendador sa gawa ni Leilani. “Great. Hindi na nagpapakita ang sekretarya ko at ni walang pasabi kung nasaan. Kung absent ba siya, ni wala man lang tawag. So … I think I’ll make you my secretary.”

Natuwa si Leilani pero kunwari nag-aalala. “Si­gurado kayo, Sir? Paano pag bumalik si Cynthia? Pati sa akin na kaibigan niya, magagalit siya.”

“And why would he? Nagpabaya siya sa trabaho. I can say she abandoned her work. So I have the right to fire her and get a new one.”

Alam din naman kasi ni Leilani na talagang hindi na babalik ang sekretarya dahil patay na ito.

Nakain na niya ang buong utak nito.

Kung matatagpuan man ang bangkay pati ng janitress, wala na siyang pakialam.

Dahil sigurado na naman niyang malinis ang krimen niya.

Iba ang mapaghihinalaan but never na siya.

“Ano, Leilani … do you accept the job?”

“Bakit naman ho ako tatanggi? Mamimili pa ba ako? Alam ko hong hindi madali ngayon ang makahanap ng trabaho. Kaya, Sir,  sige ho … I am your new secretary.”

Tayo agad si Jose Comendador at nakipagkamay kay Leilani. “I’ll give you the same amount as Cynthia was entitled to. At alam mo bang kung gusto mong mag-condo rito malapit sa office ko, fifty per cent ay sagot ng kompanya? The middleclass condo, you know.”

Kulang na lang ay mapatalon sa tuwa si Leilani.

“I’ll definitely stay here. Sayang naman kung hindi ko ma-avail.”

“Good thinking. O, hindi kita ginagawang overwork dito ha. So let’s dine early.”

Nag-alinlangan kuno si Leilani.

Pa-hard to get kumbaga.

Dalagang Pilipina pero pailalim pala.

Hindi nagtagal at nasa labas na sila ni Jose. Walking leisurely. Pero hindi pa nakuntento ang may pagka-playboy na CEO, biglang iniangkla ang kanang braso ni Leilani sa kanyang braso.

“Tell me what you feel. If you feel happy then I won’t let this evening end early.”

Namula si Leilani. May dating ang mga salita ng kanyang bagong boss. Akalain ba niya, sa computer lang niya nakita si Jose ngayon ay mukhang may maganda nang nangyayari.  - ITUTULOY

 

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with