^

Sanggol isinilang na may balbas

GRABE NA ‘TO (Pang-masa) - February 12, 2020 - 12:00am

Ipinanganak si Baby Jonathan sa United Hospital sa Saint Paul, Minnesota noong January 28 at may timbang na 6lbs 13oz.

Napakaamo ng mukha ni Baby Jonathan, parang anghel. Pero nagulat ang kanyang mga magulang nang makita ang napakakapal niyang balbon sa likod. Kahit ang mukha nito ay may maninipis ding balbas, pati na rin ang braso at mga hita nito.

Naaliw naman ang ama nitong si Anthony Lopez at tinawag siyang ‘mini wolverine’.

“Jonathan is like a mini Wolverine. We cannot believe how much hair he has. When he first came out it had almost formed a beard on his face and some people have joked he will be shaving before he starts walking.

“All of the nurses were joking he was going to keep warm during the winter. All of our family have found it really entertaining,” nakangiting kuwento nito.

Bukod sa pagkakaroon ng kakaibang kapal ng buhok, nasa amniotic sac pa raw si Baby Jonathan nang ipanganak, dahilan para mas lalo siyang m­aging espesyal. Dahil bibihira lang daw ang ganung pangyayari.

Ayon sa nurse na nag-asikaso sa kanila, matatanggal din naman daw ang mga buhok nito sa mukha at katawan sa tuwing papaliguan.

Ang tawag daw sa mga buhok na ito ay Lanugo. Tumutubo raw ito tuwing second trimester ng pagbubuntis, ito ay para hindi raw malamigan ang mga sanggol habang nasa loob sila ng sinapupunan.

BABY JONATHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with