Mother Nabola ng Foreigner

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - February 11, 2020 - 12:00am

Dear Vanezza,

Single mom ang nanay ko na ang hilig makipag-chat. Dati may time pa siyang magluto, maglinis ng bahay, at magbasa ng libro. Ngayon ay inaatupag na makabingwit ng foreigner na gusto niyang mapangasawa. Kaya laging babad sa pakikipag-chat na inaabot ng madaling araw. Hindi na rin namin siya nakakausap sa gabi dahil busy sa kaka-chat niya. Ang masamang ending ay biktima si nanay ng scam ng ka-chat niya.

Pinangakuang pupunta ng bansa, pero ang kuwento ay na-hold daw siya sa airport sa Malaysia sa laki ng daw ng dala niyang pera mula sa United Kingdom. Nanghingi kay nanay ng 30K ang puti. May Pinay pang sangkot na tumawag na nag-confirm kuno naka-hold ang foreigner. Nangutang pa si nanay sa opisina nito na ipinadala niya sa isang account na promise na darating ang foreigner sa ‘Pinas  at ibabalik ang pera niya.

Sa madaling salita, nadenggoy si nanay na ngayon ay nagbabayad ng kanyang utang. Ang siste ay hindi pa rin nadala si mother na naghahanap pa rin ng matitisod na ka-chat tulad ng kaibigan niya. Kailan kaya matututo si nanay sa kanyang ilusyon? - Bert

Dear Bert,

Hindi lamang si nanay mo ang naging biktima ng masasamang loob sa social media na sinasamantala ang kahinaan ng mga Pinay. Laging paalalahanan si mother na magdobleng ingat dahil na rin sa masaklap niyang karanasan sa pakikipag-chat. Lambingin din si nanay na ibaling ang kanyang oras gaya ng pag-aasikaso sa bahay o puwedeng yayain si mother na mamasyal. Huwag kalimutan na mahalin at pahalagahan si nanay upang maramdaman din niya na may nag-aalaga at nag-aasikaso sa kanya.

Sumasainyo,

Vanezza

SINGLE MOM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with