Zombie Family (342)
Gilda Olividado (Pang-masa) - February 5, 2020 - 12:00am

NAKAHINGA nang maluwag si Herman habang nakikitang palayo na ang helicopter.

Tangay ang flying zombie.

“Salamat, Diyos ko. Ligtas na ang pamilya ko rito.”

Agad niyang pinuntahan sa napakatibay na silid sina Laurice.

“Laurice …”

Nagyakap ang mag-asawa.

“Wala na ba siya, Herman? Ligtas na tayo?”

“Dadalhin na siya sa isang napakatibay na kulungan sa kampo. Hindi siya bastang makakatakas.”

“Salamat, Herman. Kung wala ka siguro rito baka wala na kami.”

“Hindi mangyayari ‘yon, Laurice. Nagkahiwalay man ang mga landas natin, pag alam kong kailangan ninyo ako, dadating ako. Lalo na ngayong hindi natin alam kung nasaan na si Nikolai.”

“I just hope he is safe. And alive. Alam naman niyang naghihintay lang kami sa kanya.”

“Don’t worry. Ngayong nakuha na ng army si Leilani, makaka-focus ako sa paghahanap kay Nikolai. May mga mauutusan ako. Maaasahan. Masisipag. Gustong makakatulong. Ang mga bodyparts ni Marga. Sila ang pag-asa para makita si Nikolai.”

“Pero hanggang ngayon wala pa silang nakikita.”

“Sssshhh that’s okay. Hindi sila magsasawa o mapapagod. So just hope and trust, okay?”

Tumango si Laurice, niyakap siya ni Herman pero yakap na walang malisya. Nakatingin sa kanila ang mga anak.

Masaya na sila na ganito pa rin kung magmalasakit sa isa’t isa ang mga magulang.

TAKOT na takot ang flying zombie, tanaw na niya ang loob ng kampo habang nakabitin siyang dinadala ng mga sundalo roon.

May naisip siyang tawagan. O kausapin. Ora mismo.

Kaya sumigaw siya. “HOOOOOY! Gumawa sa akin nang ganitooo! Ano, magpapahinga ka na lang talaga matapos mong matuwa na marami akong pinatay? Tulungan mo akooo! Kaya mo itoooo! Umisip ka naman ng paraaaaan!”

Tahimik lang.

Ang ingay, nanggagaling lamang sa lumilipad na helicopter.

Very eerie ang katahimikan. Nakakabahala. Itutuloy

ZOMBIE FAMILY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with