^

Para Malibang

Dapat ba mag-panic sa nCoV?

ANGAS NG BAE - Pang-masa

“Oo naman. Hindi biro ang sakit na yan. Marami na ang naapektuhan sa ibang bansa lalo na sa China. Ang daming namamatay at infected. Kailangan na talaga natin mag-panic. Pakiramdam ko hindi na tayo safe dahil meron nang isang confirmed case rito sa Pilipinas. Nakakatakot. Paano kung maraming nakatabi yung Chinese na iyon. Madaling kakalat yung nCoV.” - Jeffrey, Baguio

“Sa tingin ko everything is under control. Magtiwala tayo sa ating gobyerno at maging sa mga kawani ng Department of Health. Ginagawa nila ang lahat para sa atin. Kaya tiwala lang.” - Andy, Pasay

“Seryosong issue po iyan, pero sa tingin ko ay hindi tayo dapat mag-panic. Unang-una, kapag alam mo ang tunay na detalye ng issue, hindi ka dapat mag-panic. Marami ang nagpa-panic dahil sa mga napapanood at nababasa nila sa social media. Sana maging maalam tayo sa tunay na issue at ‘wag papatol sa fake news.” - Ben, Bulacan

“Naku po iyun na po ang nangyayari ngayon. Marami ang nagpa-panic buying ng mga mask at kung anu-ano  pa. Hindi pa nga nakakabangon sa Taal ay heto na naman at biglang in demand na naman ang mask.” - Kiko, Subic

“Hindi mo maiwasan dahil marami ang nagkakalat ng mga fake information. Kesyo kailangan daw ng travel ban mula China. Samantalang meron din namang kaso sa ibang bansa. Sa bagay, yung mayayaman kaya nila magtago, paano naman ang mahihirap? Hindi nga makakain ng tatlong beses sa isang araw ang ibang pamilya, proteksyunan pa kaya nila ang sarili sa ganyang sakit? Madaling maghugas ng kamay ng 15x per hour, pero paano yung mahihirap na walang tubig?” - Abdul, Cotabato

vuukle comment

NCOV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with