Pagkain ng prunes, maganda sa tiyan
BURP - Koko (Pang-masa) - January 20, 2020 - 12:00am

Maraming mga pagkain na mapagkukuhaan ng iba’t ibang sustansya at mga bitamina na makatutulong sa atin para maiwasan ang mga sakit at ang mabilis na  pagtanda ng ating hitsura ng dahil sa stress.

Tulad na lang ng bell peppers, mataas ang tag­lay nitong vitamin A para sa malusog, at glowing skin. Bagay ito sa pizza, pancit, spaghetti at caldereta.

Ang green tea naman ay mayaman sa antioxidants na naka­tutulong makaiwas sa wrinkles at mabilis na pagkulubot ng balat. Uminom ng green tea pagkatapos mananghalian araw-araw para gumanda rin ang inyong metabolism.

Panlinis naman ng bituka ang pagkain ng prunes dahil sa tag­lay na mga bitamina nito. Bagay itong ga­wing snack sa trabaho o school.

Kung gusto n’yo naman na ma-rejuvenate ang balat, ibabad ng limang minuto ang kamay at paa sa magsindaming lemon juice at tubig.

At para naman sa mabilis na metabolism ay gumamit ng cinnamon sa mga lutuin. Burp!

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com

PAGKAIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with