^

Para Malibang

Zombie Family (266)

Gilda Olividado - Pang-masa

BUSOG na ang flying zombie, para itong pahabang planggana sa ere pero napakabilis pa rin ng paglipad.

Hindi malalaman kung saan ito bumaba at nagtago.

WALANG palatandaan sa nangyaring pagpatay ng flying zombie kundi mga ilang patak ng dugo.

Dahil nga inubos naman nito ang mga biktima.

Pero may ilang nakakita sa kanya at sa kanyang pagpatay at pagkain ng dalawang biktima.

Takot na nag-usap-usap ang mga ito sa loob ng isang mall.

“Nakita naman natin, ‘di ba? Isang babae na mukhang zombie, may konting agnas na ang mukha pero may mga malalaking pakpak siya. Nakita natin siya nang bumulusok at agad kinagat iyung matabang lalaki.”

“Ako, nakita ko rin ‘yon. Nakita ko rin ang pagkain niya sa pangalawang biktima. Matabang babae naman.”

“Pero daig ko kayo. Kasi ako, kahit para akong mamatay sa takot, nakunan ko sila ng mga litrato. Ang pagsalakay ng zombieng nakalipad!”

“Talaga? Patingin!”

Inilabas nga ang celfone at nakita roon ang malinaw na pictures.

“Kung ganoon, totoo nga! Merong mas mapa­nganib na zombie! Zombieng nakakalipad!”

“Madali nang magsumbong sa pulisya. Ipa­kita natin ang mga litratong ‘yan para hindi tayo mukhang tanga.”

“Korek! Kasi kung ikukuwento lang natin, aakalain nila nababaliw tayo … nalilipasan ng gutom!”

“O tayo na sa pulisya!”

May biglang natakot. “Lalabas tayo rito sa mall? Ayoko! Paano kung nandiriyan lang sa ere ang flying zombie at tayo pa ang matitiyempuhang gawing panghapunan? Tiyak gutom na naman ‘yon ngayon.”

Nahawa na rin ang iba sa nerbiyosong kasamahan.

“Oo nga. ‘Di ba bigla na lang ‘yung bumulusok sa atin mula sa ere? Baka nag-aabang na naman ng bagong biktima at tayo ang mamalasin!”

“Saka baka nakilala tayo at ayaw niyang magsumbong tayo. Kaya titiyakin niyang ‘di na tayo makakapagsalita dahil naubos na niya tayong kainin.”

“Eh, alangan namang ganito na lang? Ano, hindi na tayo lalabas? Kapag nakapagsumbong tayo sa pulis­ya, mawawarningan ang publiko. Magmalasakit naman tayo!” 

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with