^

Para Malibang

Zombie Family (263)

Gilda Olividado - Pang-masa

TARANTA na ang mga taong nakakita ng lumilipad na kakaiba na iyon sa ere.          

Nasisinagan pa ito ng buwan.

Pero hindi pa rin nila masyadong klaro kung ano.

“Baka napakalaking ibon, baka agila!”

“Masyadong malaki ‘yan para maging agila lang!”

“B-bampira?”

“Kung bampira de putol ang katawan, de hindi rin dapat ganyan kalaki!”

“Eh, ano ‘yan?”

“Teka … teka …

“Parang …”

“Papunta siya rito sa atin! Bumababa ang lipad niya!”

“Namputsa! Oo nga!”

“Oo nga!”

“Takbooooo!”

Pero bago sila nakatakbo, nag-strike na ang lumilipad. Ang lalaking may katabaan na mabagal kumilos ang nahagip ng matibay na pakpak nito.

Bagsak sa lupa ang lalake.

Takbo na ang iba pa palayo doon.

Kaya hindi na nila nakita kung ano talaga ang lumilipad kanina.

Maiitim ang mga mata, mahabang-mahaba ang dilang kumikiwal-kiwal, maiitim ang mga mata pati paligid nito, may ilang bahagi na ng katawan ang nabubulok, hindi na nga kumpleto ang pisngi kasi nabutas na.

Nakilala pa ng bibiktamahin kung ano ito. “Zombiiiieeeee!”

Nasa ibabaw na ng lalaki ang flying zombie.

Na makikilala pa kahit papaano kung sino.

Si Leilani. Ang nawa­walang bangkay,

Ang unang binaunan ng mga matatalas nitong mga ngipin ay ang leeg ng biktima.

Nag-ooze agad ang napakaraming dugo dahil ang nakagat ay ang main artery sa leeg.

Pero sandaling-sandali lang at wala nang bahid ng dugo sa leeg dahil kaybilis nasipsip at nahinod ni zombie Leilani.

Sa isang iglap din, naubos ang leeg kaya humiwalay na ang ulo sa katawan ng biktima.

Itutuloy

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with