^

Para Malibang

Castor oil marami nang napatunayan

KIKAY KIT - DC - Pang-masa

Ang pagkakaroon ng mahabang pilik-mata ang isang katangian ng pagi­ging maganda para sa iba. Kaya naman patok ang mga produkto na mabilis na makakapagpahaba ng iyong mga pilik-mata pero ito ay may kamahalan.

Samantala, alam niyo ba na may mga paraang natural para mapahaba ang mga ito?

Isa na rito ang paggamit ng castor oil. Kilala na ang castor oil hindi lang sa pagpapahaba ng pilik-mata kundi maging ng ating buhok at kilay. Bago matulog, ipahid lamang ito gamit ang cotton buds sa ibabaw ng ating mga pilik mata.

Sabi ni Jen na dalawang buwan nang gumagamit ng castor oil bilang pampahaba ng pilik mata, “ito na ang ginagamit ko and in all fairness may nakapansin na sa lashes ko kung ano raw nilagay ko. Nakaka-flatter syempre. Hahaha!”

Marami ring users ang sumumpang kumapal at hu­maba ang kanilang pilik-mata ganun din ang kanilang kilay.

Ang iba naman ay gumagamit ng sunflower o la­vender oil. Ayon sa isang pag-aaral, napatunayan nang epektibo ang lavender oil sa pagpapatubo ng buhok, ihalo lamang ito sa coconut oil at ipahid bago matulog. (kumunsulta muna sa doctor kung ikaw ay may allergy).

Masahihin ang paligid ng mata bago matulog para ma-relax ang iyong mga muscles. Gawin ito ng dahan-dahan bago matulog at pagkagising.

vuukle comment

CASTOR OIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with