^

Para Malibang

Lugar ng mga fairy sa Transylvania, may hotel na

RAMPADORA - DC - Pang-masa

Kapag binanggit mo ang lugar na Transylvania, ang agad na pumapasok sa isip natin ay mga bampira. Pero ang lugar na ito ay hindi lamang para sa mga bampira, kung hindi pati na rin daw sa mga fairy.

Ang tinatawag nilang Valley of the Fairies na matatagpuan sa village ng Porumbacu de Sus, Romania, ay may itinatago na kakaibang atraksyon, ito ay ang Clay Castle hotel.

Ang Romanian couple na sina Razvan and Gabriela Vasile ang nakaisip ng ideyang ito. Two years ago nang mapagdesisyunan nilang ibenta ang kanilang lupa at magtayo na lang ng hotel. Ang nakamamanghang Carpathian Mountains ang makikita mo sa likuran ng Clay Castle. Meron itong sampung kuwarto at ang bawat isa ay may sari-sariling entrance. Gawa ang hotel sa eco-friendly materials na clay, sand, straw, at kahoy.

Ayon sa mag-asawa, malapit na rin itong magkaroon ng restaurant na kung saan ay puro organic food lamang ang ise-serve. Walang duda na balang araw ay mapapabilang na rin ang Clay Castle sa listahan ng mga dapat puntahan sa Romania.

Ngayon, kahit ‘di pa tapos ang construction nito, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao.

vuukle comment

PORUMBACU DE SUS

VALLEY OF THE FAIRIES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with