^

Para Malibang

Kababalaghan sa Japan, Nagkalat

MRYOSO - Pang-masa

Japan, isang bansang masagana at mayaman sa kasaysayan, pero sa likod ng magagandang lugar dito, kaakibat din nito ang mga ‘di maipaliwanag na kababalaghan.

Isang netizen ang nagbahagi ng nakakakilabot na kuwento ng kanyang inang OFW sa Japan. Ayon sa kanya, may katrabaho ito sa isang club na nagpahuli ng uwi isang gabi dahil may iba pa na pupuntahan.

Nagising silang lahat sa apartment nang humahagulgol ito sa harapan ng pintuan na para bang takot na takot.

Nang mahimasmasan, itinanong nila kung anong nangyari rito at bakit siya iyak nang iyak.

Ayon sa kanilang kasamahan, may babae raw na biglang pumasan sa kanyang likuran, tawa raw ito nang tawa. Ayaw daw nitong umalis kahit anong pilit niyang panlalaban. Nakasuot daw ito ng puting palda at brown na sweater. Mahaba rin daw ang buhok nito.

Hindi niya raw alam kung paano ito umalis sa likuran niya, pero nakita niya raw itong tumakbo sa abandonadong building.

Agad naman nila itong ni-report sa pulis.

Ayon sa kanyang ina, nakita rin daw niya ang babaeng yun sa labas naman ng kanilang pinagtatrabuhan kaya kinabahan siya, at hindi lang doon yun nagtatapos.

Mag-isa lang siya noon sa apartment, paalis na sana siya nang biglang may nakita siyang babaeng dumaan sa hagdanan. Nakaputing palda at brown na sweater.

Saka lang niya naalala na ito rin ang babaeng umatake sa kanyang kaibigan.

Agad niyang kinuha ang rosaryo at nagdasal. Nagulat siya nang biglang nagpupumilit na itong pumasok, tumatawa raw ito. Kitang-kita raw niya kung paano ito nagbago ng hitsura.

Dahil sa sobrang takot, nahimatay siya. Nagkamalay na lang siya nang gisi­ngin siya ng mga kasama.

Dahil ayaw niya nang makapanakot pa, ‘di na lang niya ito ikinuwento. Pero ayon sa kanya, ang babaeng nakita ay hindi normal na tao, kung hindi isang masamang espirito.
 

vuukle comment

KABABALAGHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with