Asian secrets
KIKAY KIT - DC (Pang-masa) - July 17, 2019 - 12:00am

Marami sa atin ang hu­mahanga sa iba’t ibang Asian secrets na karamihan ay nagmula sa Korea at Japan. Marami sa kanila ay hindi mo aakalaing nasa 50 pataas na ang edad dahil mukha lamang silang nasa early 30s.

Narito ang ilan sa ka­nilang beauty hacks:

Snail slime – Nakakadiri kung iisipin, pero alam n’yo bang kinukunsiderang beauty ingredient ang malagkit na katas ng suso? Natural source ito ng hyaluronic acid, enzymes, at peptides na nakapagpapalambot at hydrate ng ating kutis.

Sea salt – Simple lang ang ‘recipe’ sa sikat na beauty tips ng mga Koreana, ang salt facial tonic. Kailangan lang ng isang kutsara ng sea salt at isang basong maligamgam na tubig. Haluin ito nang mabuti hanggang sa matunaw ang asin. Gumamit ng bulak at ipahid sa mukha pagkatapos maligo. Nakatutulong sa paglilinis ng mukha ang sea salt. Bukod pa rito, magsasara ang iyong pores kaya tiyak na aaliwalas ito. Hindi naman ito pwede gamitin kung may sugat.

Soy milk – Masasabing isa sa pinakamatandang cosmetic remedies o pampaganda ang soy milk sa Asia. Kakailanganin mo lang ng gauze o gasa na binabad sa soy milk. Ilagay ito sa mukha ng 15-20 minuto. May component ang soy na nakapagpapaganda sa takbo ng sebaceous glands ng balat para magmukhang bata.

ASIAN SECRETS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with