^

Para Malibang

Straw na gawa sa damo, naimbento

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Hindi na maikakaila na ang pinakapangunahing problema ng ating bansa at maging sa buong mundo ay ang malaking isyu ng plastic pollution.

Ayon sa website na Greenpeace, tinatayang umaabot sa 12.7 milyong toneladang plastic ang bumabagsak sa ating mga karagatan kada-taon na nagiging sanhi ng malawakang epekto sa sealife.

Mahigit 700 marine species na ang apektado ng mga nagkalat na plastic ayon sa mga scientist, habang 87 percent naman daw ng mga uri ng ibon ang nakakain na ng mga plastic.

Maraming paraan na ang sinubukan ng mga bansa para bawasan o matigil na ang paggamit ng plastic, gumamit pa nga ang ibang food company ng paper straw pero hindi ito masyadong pumatok, kaya naman gumawa si Tran Minh Tien mula Vietnam ng biodegradable straws mula sa isang damo na Lepironia articulata ang pangalan, na makikita lamang sa Mekong Delta region sa kanilang bansa.

Hindi lamang biodegradable ang nasabing straw, kung hindi ito rin ay walang halong kemikal at walang preservatives.

Sa isang interview ni Tien, pinaliwanag niya kung paano niya ito naisip at ginawa, kinokolekta niya raw muna ang tangkay ng mga damo saka niya ito huhugasan at pu­putulin sa habang 20 centimetre. Lilinisin ulit ang loob ng mga straw bago hasain na ulit sa orihinal na sukat at saka na niya ito ibebenta. Pinagsasama-sama niya ang mga ito at saka ibabalot pa sa dahon ng saging na very environmental friendly at ayun na. puwedng-puwede na itong magamit bilang panlaban sa polusyon ng plastik.

vuukle comment

PLASTIC POLLUTION

STRAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with