Swimming pool na masuwerte
SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - January 19, 2019 - 12:00am

Nagdudulot ng ka­ma­lasan ang swimming pool kung mali ang lokas­yon.

Narito ang tips upang good luck ang idulot ng swimming pool sa buhay ng mga occupants ng bahay.

Mas mainam kung ang korte ay round, oval at kidney shaped para walang kanto  na magiging sanhi ng poison arrow.

Kung kidney shaped ang napili, mas maganda kung nakaharap sa bahay ang kurba para kung ti­tingnan ay tila nakayakap ang pool sa bahay.

Ang tubig ay simbolo ng kayamanan, kaya kung nakayakap ang pool sa bahay, ibig sabihin nito ay nakayakap ang wealth luck sa mga occupants.

Mas maliit dapat ang swimming pool kaysa bahay. Ang sukat ng pool ay hindi dapat hihigit sa 33 percent ng kabuuang sukat ng lote.

Huwag ilalagay ang swimming pool sa likod ng bahay. Bad fengshui ang may tubig sa likod ng bahay.

Para maging specific, kung ikaw ay nakatayo sa main entrance ng bahay at nakaharap sa labas, dapat ang swimming pool ay nasa kaliwa.

Present dapat ang limang elemento sa iyong swimming pool:

Metal (handrailings, pumps), wood (halaman, gazebos), earth (mga batong pangdekorasyon, cement), fire (lightings), water.

MASUWERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with