^

Para Malibang

Pananahimik ni mister, ginugulo

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Nandito na ako sa Cebu at limang taon nang nananahimik nang mabisto kong may lalaki ang misis kong nurse sa Kuwait. Kaya pala ayaw na niyang bumalik ng ‘Pinas. Matagal na kaming walang komunikasyon, ang isang anak lang namin ang lagi kong kausap. Pagkatapos ng ilang taon ay bigla na may nagti-text sa akin na lalaki na bf daw ng misis ko. Marami raw siyang gusto itanong at malaman sa misis ko. Bugbugin ko na kaya na gusto pa akong makita ng personal. Ayoko nang maka­rinig o makialam sa buhay nila. Panay ang text at tawag sa akin ng lalaki na hindi ko sinasagot. Pero minsan gusto ko nang komprontahin. Patulan ko na ba? - Zeux

Dear Zeux,

Tama na wala kang dapat ipaliwanag sa lalaking naging dahilan ng inyong paghihiwalay. Pero marahil ay gusto na nilang maayos ang  status ng inyong asawa. Kung gusto nila ng annulment case ay hayaan mo sila ang mag-ayos dahil sila naman ang nagsimula ng gulo. Tama na  manahimik ka na lamang kaysa kung ano pa ang iyong magawa na tiyak na pagsisisihan mo sa huli.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

GINUGULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with