Paano maging attractive sa mga babae?
Ang paggamit ng metaphorical compliment ay mas nagiging attractive ang lalaki sa mga kababaihan ayon sa pag-aaral.
Sa case study ng Chinese nalaman na mas nagmumukhang habulin ang men kapag gumagamit ng phrases na gaya ng “Ang mga mata ay parang ilaw sa tala” ganung pa-effect. Sa isang banda, kapag sinabi na “Ang sexy ng mga labi mo” ay hindi ito epektibo. Kailangan ay malinaw na tipo ng romantic compliment, pero mali ang paggamit ng metaphor na may ibang layunin o bahid ng malisya. Dahil ang metaphor ay nangangailangan ng paggamit ng intelligence at creativity para masabi ang indirect signal sa isang tao.
Puwede rin bigyan ng compliment o pagpuri hindi lang ang appearance ng babae, maaari rin ang kanyang bahay para makuha ang atensyon ng mga kababaihan. Metaphor ang gamitin at hindi yung literal na pangbobola sa nililigawan.
- Latest
















