Sanhi ng Mabahong Hininga
Nakakahiya ang pagkakaroon ng mabahong hininga dahil ginagamit natin ang ating mga bibig sa araw-araw na pakikipag-usap sa mga taong kahalubilo natin. Ang mabahong hininga ay nakapagpapababa ng self-confidence kapag napabayaan.
Narito ang ilang sanhi ng mabahong hininga:
1. Ang pagkain ng mga pagkaing malakas ang amoy tulad ng bawang at sibuyas ay nakakabaho ng hininga.
2. Isa rin sa nagdudulot nito ay ang maling paglilinis ng bibig sa araw-araw.
3. Maging ang sobrang paninigarilyo o pagnguya ng tobacco products ay nakakabaho ng hininga.
4. Ang pagkakaroon ng bulok na ngipin ay nagbibigay din ng masangsang na amoy sa bibig.
5. Kapag may yeast infection sa bibig ay naglalabas ito ng hindi kaaya-ayang amoy.
6. Ang pagkakaroon ng respiratory tract infection ay nagdudulot din ng mabahong amoy.
7. Maging ang pagkakaroon ng chronic acid reflux o problema sa atay at bato ay nakakapagbigay ng bad breath.
- Latest




















