^

Para Malibang

Pangalawang Anino (266)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

NATAWA si Yawanaya sa confession ni Yawan. “Bakit, ano ba ang nagagawa ni Arturo sa isang tulad mo? Lovemaking dito sa ilalim ng ilog?” 

“Kung puwede. Ibang experience, ‘di ba?” 

“Eh, mamamatay ‘yon.” 

“Bakit?” 

“Natural, hindi naman ‘yon makakahinga sa ilalim ng ilog.” 

“Kaya ko siyang pahingahin. May kapangyarihan ako, e.” 

“Saan mo hahanapin si Arturo ngayon?” 

“Malamang sa simbahan. Nagbabantay doon sa banga! Kung saan nakalaman ang mga pira-pirasong imahe ni Nanette. Eh, baliw pa rin ‘yung umiibig sa banal-banalan na ‘yon, e.” 

“O de gawin mo na akong si Heart uli at puntahan na natin si Arturo sa simbahan para dalhin siya dito sa ilalim ng ilog. Don’t worry, hindi ako manonood sa inyo habang nagla-lovemaking kayo dito. Malaki naman itong ilog, doon ako sa may bandang dulo.” 

“Hindi ... ayoko na siyang pilitin. Gusto ko, siya naman ang lumapit sa akin. Siya naman ang maghanap sa beauty ko.” 

“Pakipot ka pa?” 

“Mabuti o masamang tao ... pareho ng ugali pagda­ting sa pag-ibig. Gusto pa rin ng babae na mai-in love nang totohanan sa kanya ang mahal niya. Sawa na akong maghabol, sawa na akong pumatay dahil sa paghahabol sa pag-ibig na ‘yan.” 

“Ha? Mabait ka na?” 

“Gaga! Hindi! Nasa dugo ko na ang kasamaan. Gusto ko lang namang magbago ng lifestyle sa pag-ibig. Gusto kong talagang mabubuwang sa akin nang totoo ang Arturo na ‘yan!” 

“Kung ihihipnotismo mo siya, alam mo namang kaya mo ‘yon. Kaso nga, ayaw mo namang nang dahil lang sa power mo kaya siya napasaiyo.” 

“Paano nga kaya siya mapasaakin nang gusto niya rin?” 

NASAloob nga ng simbahan si Arturo, kausap ang banga. 

“Nanette, alam ko naririnig mo naman ako. Paano ba ako makakatulong sa misyon mo? Hindi rin lang ikaw mapasaakin nang husto, mabuti pa makatulong na lang ako kung bakit ka nagpapakabanal.” 

Nanlumo si Arturo dahil wala namang sagot. 

“Alam ko na gustung-gusto ako ni Yawan. Kapag ba isusuko ko na lang ang sarili ko sa kanya, papayag siyang magpakalayo-layo kami, kahit pa dalhin niya ako sa impiyerno, matatahimik ka lang at hindi na mahihirapan?” - ITUTULOY 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with