Pumapag-ibig na Tutubi
• Kayang bumasag ng bowling bowl ang kagat ng isang oso.
• Magkahawak kamay ang mga sea otters sa tuwing natutulog sa tubig para hindi sila malunod o mawala sa paningin ng isa’t isa.
• Binabati ng hayop prairie dog ang kapwa sa pamamagitan ng paghalik. Ang prairie dog ay isang klase ng squirrel na matatagpuan sa Canada, US, at Mexico.
• Ayon sa animal behaviorist, hindi nagsasabi ng ‘meow’ang mga pusa para makipag-usap sa kapwa pusa. Ginagawa nila ito para makuha ang atensyon ng mga tao.
• Kahit na mas mukhang daga, mas malapit na kamag-anak ng elephant shrews ang elepante kesa sa daga.
• Ang Alberta, Canada ang pinakamalaking lugar sa mundo kung saan walang daga.
• Natatakasan ng hartebeest o kongoni, isang klase ng African antelope, ang mga predator sa pamamagitan ng pagtakbo ng pa-zigzag.
• Hindi nalalasahan ng mga pusa ang matatamis dahil wala silang sweet taste buds.
• Nakalambitin pa rin kahit nanganganak ang mga paniki. Sinasalo nila ang kanilang baby gamit ang kanilang pakpak.
• Naghuhugis puso ang mga tutubi kapag nakikipagtalik.
- Latest