_pang-masa
^

Kondisyon ng Penis (4)

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ (Pang-masa) - March 7, 2017 - 12:37am

Hindi lang dapat kondisyon ang katawan, kailangang kondisyon din si ‘Manoy.’

Kapag healthy ka, makikinabang ang iyong sexual health. Ngunit may mga bagay na dapat isaalang-alang para  mag-function ng maayos si ‘Manoy.’

Kailangang mag-maintain ng healthy weight para maiwasan ang fat deposits na maaaring makabara sa ugat na nakakaapekto sa erection at kailangan ding kumain ng healthy at natural na pagkain para maiwasan ang mga plaque deposits na maaari ring makabara sa blood vessels na maaaring makaapekto sa function ni ‘Manoy’ at kailangan ding bawasan o iwasan ang stress.

Kailangan ding bawasan o tanggalin kung maaari ang paninigarilyo. 

Alam nating walang magandang dulot sa kalusugan ang paninigarilyo.

Bukod sa maaari itong maging sanhi ng cancer, pinasisikip din nito ang blood vessels na nakakaapekto sa blood flow, nababawasan ang supply ng oxygen at nagdudulot ng  inflammation na naglalagay sa panganib sa lahat ng parte ng katawan.

Sinasabing kapag naninigarilyo ay hindi nagtatagal ang penis erection. (ITUTULOY)  (source: http://www.privategym.com/)

 

PENIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with