Oral care pagkatapos ng surgery
Hindi natatapos sa pagbunot ng nasira o kailangan tanggaling ngipin ng pasyente. Pagkatapos mabunutan ng ngipin may tamang management o oral care. Minsan hindi lang simpleng bunot ng ngipin ang iba na dumadaan sa kumplikadong oral surgery dahil sa kakaibang kaso tulad ng kung impacted o nakalinis ang ngipin sa tumutubong wisdom tooth.
Makatutulong ang pagdampi ng ice packs sa unang apat na oras sa pisngi kung saan binunutan. Mainam din na pakainin ng ice cream ang pasyente para humupa ang maga sa gilagid. Tandaan huwag magmumog sa loob ng anim na oras pagkauwi ng bahay galing sa clinic. Huwag din hahawakan o susundutin ng daliri ang namuong dugo sa parte ng sugat sa gilagid kung saan tinanggal ang ngipin. Puwedeng kumain at uminom pagkatanggal ng bulak sa gums. Bawal lang ang malalansang pagkain tulad ng seafood, manok, at itlog. Bawal din ang alcohol at iwasan munang magsigarilyo sa loob ng 24 oras. Bawal muna ang magbuhat, tumakbo, at kumilos ng makasasama sa araw mismong kung kailan nabunutan ang paseyente.
Inumin ang prescribes na gamot ng pitong araw para maiwasan ang infection at tuluyang gumaling ang gums sa pagbunot ng ngipin.
- Latest















