^

Para Malibang

Fishball ang pang date

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Bonging, isang hamak na tricycle driver. Sa edad na 30 anyos ay single pa ako. Natatakot akong mag-asawa dahil ayokong matulad sa akin ang magiging anak ko. Kakarampot lang ang kinikita ko sa biyahe. May gusto sa akin ang kababata ko pero sabi ko ay wala akong pang date sa kanya. Binibiro niya ako na kahit fishball lang daw. Ano ba gagawin ko?

Dear Bonging,

‘Wag mong maliitin ang iyong sarili. Hindi hadlang ang pagiging tricycle driver para magtagumpay sa buhay. Tama ang kababata mo na kahit fishball ay puwede nang pagsaluhan sa date. Mukhang tanggap niya ang iyong kalagayan. Subukan mo siyang ligawan. ‘Wag kang matakot sa kinabukasan at harapin mo muna ang ngayon. Paunlarin ang iyong sarili at mag-isip ng ibang pang pagkakakitaan para sa paghahanda ng iyong hinaharap.                                                            

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with