^

Para Malibang

Crystal: Solusyon sa Bad Fengshui

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

1--Hindi maganda na ang pinto ng dalawang kuwarto ay magkatapat. Ang resulta ay pag-aaway ng dalawang may-ari ng kuwarto. Ang pintuan ay kaha­lintulad ng bibig. Para itong dalawang bibig na nagtata­lakan. Magsabit ng rose quartz sa itaas ng bawat pintuan para maiwasan ang pag-aaway.

2--Magdispley ng quartz crystal ball, ­amethyst ball or aventurine ball para ma-activate ang wealth area ng salas. Kung ikaw ay nakatayo sa main door at nakaharap sa loob ng bahay, ang wealth area ay nasa kaliwang sulok sa bandang likod ng salas. 

3--Magdispley ng ma­laking crystal ball o geode amethyst sa harap ng pintuan upang magsilbing proteksiyon sa bad spirits.

4--Kung ang inyong bintana ay nakatapat sa hindi magandang tanawin sa labas, may nakatapat na sharp corner (poison arrow) o riles ng tren, magsabit ng faceted quartz balls sa bintana. Ito ay lumilikha ng rainbow kapag nasisinagan ng araw. Ang rainbow naman ay lumilikha ng positive energy.

5--Sakit sa paa o binti ang magiging epekto ng pagtulog na nakatapat ang paa sa pintuan ng kuwarto. Kung maliit ang kuwarto at wala ka nang magawa para mabago ang posisyon, maglagay ng dalawang pirasong smoky quartz o black obsidian sa ilalim ng bed upang makontra ang masamang epekto.

6--Magsabit ng smoky quartz sa itaas ng pintuan ng toilet kung may katapat itong pintuan ng kuwarto o nakaharap sa dining room.

7--Ipatong ang amethyst sa ibabaw ng study table upang makapag-concentrate sila sa pag-aaral.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with