Traydor sa Bestfriend
IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - May 22, 2016 - 12:00am

Dear Vanezza,

Ako si John. Ang problema ko’y in-love ako sa nobya ng bestriend ko. Close kami ng GF niya, pero wala pa kaming relasyon. Hindi naman kami pinag-iisipan ng masama ng friend ko dahil masyadong busy sa kanyang trabaho. Pero in love na ko sa kanya at may gusto na rin siya sa akin. Pinipigil ko ang sarili ko at natatakot ako dahil malapit na kaming mahulog sa isa’t isa at ayaw kong mangyari ‘yun. Lalo pa bestfriend ko ang aking tatraydurin. Ano ang dapat kong gawin?

Dear John,

Iwasan na ninyo ang bawat isa hangga’t hindi pa huli ang lahat.  Ang nadarama mo sa babaeng iyan ay isang tukso. Huwag mong sabihing matatag ka at makakapagpigil sa iyong damdamin dahil walang sino mang humawak ng baga na hindi napaso. Ang pinakamabisang paraan para huwag matukso ay lumayo sa tukso. Hindi kasalanan ang matukso. Ang kasalanan ay kapag ang tao’y nagpatalo sa tukso. Manalangin ka sa Diyos na bigyan ka ng lakas upang mapaglabanan mo ito.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

JOHN NOBYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with