^

Soft Pornography

(Pang-masa) - January 22, 2016 - 9:00am

Kung dati ay hinihigpitan ng mga magulang ang panonood ng mga bata sa YouTube, music videos, X-rated movies, at ban pa ang MTV sa loob ng bahay, pero ngayon ay mas talamak na ang sitwasyon dahil napapanood na ito mismo sa sariling cell phone ng mga anak dahil madali na itong i-down load sa CP o ibang gadgets na ginagawa na ng mga bagets.

Hindi aware ang mga parents na halos 29 to 30 ng mga most popular songs sa YouTube at music videos noong 2015, na karamihan ay basura dahil nag-iimpluwensiya ito ng tungkol sa mababang moralidad, nagtuturo ng rebellion, at soft porn. Halos lahat ng music vi­deo ay umabot ang viewers ng 2 billion.

Hindi rin napapansin ng mga magulang na halos ang mga  kinagigiliwang ng mga anak rock musics at ibang genre na kanta ay patungkol sa sex o pakikipagtalik. Ang mga pinagkakaguluhang cover songs, album, at lyrics ng songs na nakalagay sa mga cell phone ng mga anak ay kinokonek tungkol sexual acts.

Sa pandinig ng mga kabataan ay harmless ang mensahe ng mga kanta. Hindi namamalayan na nagiging normal na lang bad habits, kriminalidad, at sex dahil na-adapt ng mga isipan sa pakikinig ng pangit na mensahe ng mga kanta.

ACIRC ANAK ANG CELL DAHIL HALOS HINDI IBANG KANTA MGA SONGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with