Authentic Ilocos Empanada sa Abot-kayang Halaga
(Pang-masa) - January 20, 2016 - 9:00am

Ang original empanada ay pagkain mula sa Spain/Portugal. Ito ay isang uri ng stuffed bread o pastry na minsan ay pinirito o kaya naman ay bini-bake. Kadalasang laman nito ay karne ng baka pero may iba’t iba na rin bersyon nito tulad ng chicken empanada, tuna empanada ham and cheese at kung anu-ano pa. Ganyan kamalikhain ang mga Pinoy pagdating sa pagkain.

Pero alam n’yo ba na sa bandang norte ng Pilipinas ay may sariling bersyon ang ating mga kababayan doon? Ito ang empanada sa Ilocos na mas sumikat sa Vigan, Ilocos Sur. Ibang klase naman ang ginagamit dito dahil ang “balot” niya ay hindi gawa sa makapal na pastry. Maging ang nakapalaman sa loob nito ay iba rin sa nakagawian na ng marami sa atin. Piniprito lang din ito, at isa itong maituturing na street food kapag nadayo ka sa Ilocos region.

Kung gustong subukan ang authentic Ilocos empanada, hindi na kailangan pang magbiyahe sa norte. Dinala na ito ng Fariñas sa metro!

Nagkalat na rin ang branches ng Farina Ilocos Em­panada sa Metro Manila kaya’t mas marami na ang makaka-enjoy nito. Ang kanilang Ultimate Empanada ay nagkakahalaga ng P99 (walang drinks). Pero sa sobrang laki nito, puwede na itong pangdalawahang tao. Ang ultimate empanada ay may Vigan longganisa, bagnet, itlog, at gulay.

Sinlaki ng plato ang isang order ng ultimate empanada. Ang “balat” nito ay gawa sa manipis na wrapper, parang lumpia wrapper ang consistency na kulay orange. Sa loob ay kitang-kita ang itlog, longganisa, bagnet, at toge. Kung nakatikim na kayo ng Vigan longganisa at bagnet, ‘yun na ‘yun din ang lasa nito. Mas masarap nga lang dahil sa itlog at gulay.

Siyempre mas masarap kung lalagyan ito ng sukang Iloko na may kakaibang amoy at lasa.

Ingat lang sa mga umiiwas sa cholesterol dahil hindi ito ang pagkain para sa inyo dahil bukod sa mamantika ay puro karne at taba pa.

Maaaring bisitahin ang kailang FB page na Fariñas Ilocos Empanada, para sa iba pa nilang pagkain at branches. Buuuuurp!

ACIRC ANG ATILDE EMPANADA FARI FARINA ILOCOS EM ILOCOS ILOCOS EMPANADA ILOCOS SUR ITO VIGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with