Aswang Territory 4
Gilda Olividado (Pang-masa) - January 3, 2016 - 9:00am

MANGHANG-MANGHA si Armani na may mga aswang palang nakakarating sa buwan. Ngayon lang kasi niya ito nalaman.

“Wow! Kung hindi ikaw ang nagsabi sa akin baka hindi ako maniniwala, Avia! Grabe! Ang galing n’yo pala! Grabe ang kapangyarihan ninyo!”

“Unti-unti mo ring malalaman ang lahat tungkol sa akin, tungkol sa amin. May mga kahanga-hanga, marami. Pero meron ding nakakapagsisi na bahagi ang mga ‘yon sa aming pagkatao. Anyway, tayo na. Huwag ka nang matakot diyan sa aswang na aso. Dahil naniniwala na siyang you’re one of us dahil sa oil na ipinahid ko rin sa iyong katawan.”

“Okay, ready na ako.”

At kapit-kamay silang lumakad patungo sa gitna ng gubat.

Agad nakarinig ng mga ungol at daing si Armani.

“Avia, ano ‘yung mga narinig ko?” Hindi na naman mapigil ni Armani ang takot.

“Mga kalahi at kabaryo ko. Iyan ang pagbati nila sa atin. Ang iba naman, natutuwa. Lalo na ang mga close friends ko.”

“Alam nila kaagad na ikaw itong dumating?”

“Oo. Sa amoy lang, makikilala na nila ang mga kapwa aswang kung sino. At ‘yung mga singasing na parang galit ... sila ang mga kumukuwestiyon kung sinong aswang ang kasama ko. Hindi ka kasi nila kilala. Amoy aswang ka lang dahil sa oil.”

“Paano ... paano kung sasalubungin na nila tayo bago tayo makarating sa inyo, Avia? Dahil siyempre, curious sila kung “sinong” aswang itong kasama mo. Dahil hindi nila kilala, e.”

Pabulong na sumagot si Avia. “Kaya nga huwag kang magpakita ng takot. Dahil baka mahalata nilang nilagyan lang kita ng langis. Na hindi ka naman talaga totoong aswang.”

“A-ano ba ang gagawin nila kapag nalaman nilang hindi naman pala ako totoong aswang?” Napalunok na tanong ni Armani.

Mahabang sandali bago sumagot si Avia. Parang tinitiyak muna na hindi matatakot si Armani sa kanyang isasagot.

“Kuwan, Armani ... may mga kalahi kaming bigla na lang manakmal kapag nalamang hindi ka tunay na aswang kundi ordinaryong tao lang. Magugutom kasi kaagad sila, gugustuhin nilang makain kaagad ang iyong atay at puso.”

Nanginig si Armani.

Para siyang nagkamalarya. Parang hindi na siya makahinga sa nerbiyos.  Itutuloy

 

ACIRC ALAM ANG ARMANI ASWANG AVIA DAHIL GRABE HINDI MGA NILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with