Pangit ang tingin sa sarili
IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - November 25, 2015 - 9:00am

Dear Vanezza,

Ako po’y 33 years old na. May mga nanliligaw sa akin noon pero halatang binobola lang ako. Pangit po kasi ako. Pero may isang nanliligaw sa akin. Pangit din siyang katulad ko. Tingin ko naman ay seryoso siya sa panliligaw. Dahil sa takot ko na tumandang dalaga, parang gusto ko na rin siyang sagutin. Kaya lang, natatakot ako na baka ang mga anak na isilang namin ay katulad naming pangit din. Ayokong kutya-kutyain ng mga tao ang aking magi-ging mga anak. Ano ang dapat kong gawin. Sasagutin ko na ba si Beast? - Beauty & the Beast

Dear Beauty & the Beast,

Kung wala ka namang nadaramang pag-ibig, huwag mo siyang sagutin dahil lang sa takot mong tumandang dalaga. Pero kung mahal mo siya ay why not. Huwag mong laitin ang inyong anyo dahil walang ginawang pangit ang Diyos. Iba-iba ang itsura nating mga tao at tayo lang ang naglalagay ng label na pangit at maganda. Tayo na rin ang humuhusga sa anyo ng ating kapwa tao. May mga maganda ang anyong panlabas pero pangit naman ang ugali o kalooban. Pero may mga gaya mo na salat sa gandang panlabas pero maganda naman at busilak ang puso. Ang anyo, gaano man kaganda ay kumukupas sa paglipas ng mga araw. Kapag matanda na at kulubot na ang balat ng tao, pare-pareho na lang tayong salat sa ganda. Kaya ang mithiin mo ay ganda nang kalooban dahil iyan ang gandang hindi kumukupas.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANG ANO AYOKONG DAHIL DEAR BEAUTY DEAR VANEZZA KAYA MGA PANGIT PERO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with