Hindi kuntento sa asawa
IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - November 16, 2015 - 9:00am

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo po akong Mae, 33. May asawa po ako. Sa loob ng apat na taon ay super smooth ang relationship naming kahit wala pa kaming anak. Pero medyo nagbago siya. Hanggang nakita ko may girl sa kanyang Facebook na love niya raw ang asawa ko. Nag-message ako sa girl sabi ko ako ang asawa. Sabi nung girl may relasyon daw sila ng mister ko at ayaw maniwala sa akin dahil ang sabi raw sa kanya ay hindi na niya ako mahal. Kinompronta ko ang asawa ko at sinabi nito  na ‘di raw niya kilala yung girl. Pero nakompirma kong may relasyon nga sila. Grabe ang naramdaman kong sakit. Bakit kaya may mga lalaking hindi kuntento sa asawa. Naging faithful ako sa kanya, ano ang gagawin ko? Payuhan mo po ako?

Dear Mae,

Tapatin at komprontahin mo ang iyong asawa. Mag-usap kayo. Tanungin mo sa kanya kung ano ang pagkukulang mo bilang asawa. Ipaglaban mo ang karapatan mo bilang asawa. Manghingi ka ng tulong sa iyong magulang at biyanan. Huwag kang sumuko hanggang bumalik ang pagmamahal niya sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO ANG ASAWA BAKIT DEAR MAE DEAR VANEZZA FACEBOOK GRABE HANGGANG PERO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with