Ipinagpalit ng dyowa sa ka-FB
IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - October 11, 2015 - 10:00am

Dear Vanezza,

Ako po ay 33, single. May dati akong bf. The 3 months ay super smooth ang relationship namin. Then during the 4th month, medyo nagbago siya. Until I saw a comment ng isang girl sa kanyang Facebook na love niya raw ang bf ko so much. Nag-message ako sa girl sabi ko ako ang gf. Sabi nung girl may relasyon daw sila ng bf ko. Kinompronta ko ang bf ko and he told me na di raw niya kilala yung girl. In the end, na-confirm kong may relasyon nga sila. Grabe ang naramdaman kong sakit. Bakit kaya may mga lalaking hindi satisfied on having one gf? Naging faithful ako sa mga past relationships ko pero why is this thing happening to me? Takot na tuloy akong magmahal dahil baka ang next guy na mami-meet ko ay tulad din nila.

Dear Yana,

Hindi lahat ng lalaki ay tulad nila. Siguro karamihan ay ganyan. But if you care to wait, one of these days ay may darating ding lalaking magmamahal sayo ng tapat. You are already 33 and you should have learned from experience by now. Bago mo sagutin ang lalaki, kilatisin mo muna. Huwag ka ring padala sa gandang lalaki dahil ang pisikal na anyo kung minsan ay mandaraya.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANG BAKIT DEAR VANEZZA DEAR YANA FACEBOOK GRABE HUWAG KINOMPRONTA SABI STRONG UNTIL I
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with