^

Para Malibang

Stress, Bunga ng Bad Fengshui

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Makatulong ang mga sumusunod na feng shui tips para maiwasan ang stress sa trabaho:

1 - Kung napapansin mong patuloy pa rin nakadispley o nakatambak sa inyong opisina ang sirang mga machines o furniture, ikaw na ang mag-suggest sa kinauukulan na ito’y alisin kaagad dahil nagbibigay lang ito ng negative energy sa mga empleyadong gumagamit ng kuwartong kinalalagyan nito.

2 - Ang epekto ng mga sirang gamit: a) nag-iisip mag-resign ang empleyado; b) nawawalan sila ng focus; c) tinatamad silang magtrabaho kaya madalas mag-absent.

3 - Mas matindi ang stress na nadarama ng empleyadong ang puwesto ay nakatalikod sa entrance ng opisina. Pumili ng puwesto kung saan nakikita mo ang pumapasok at lumalabas sa pintuan.

4 - Laging maglagay sa bulsa o bag ng white jade, bukod sa nagbibigay ito ng suwerte, ito rin ay healing stone.

5 - Gumamit ng kuwintas, bracelet o singsing na lapis lazuli. Nakakatulong ito para mabawasan ang sress na nadarama.

6 - Kung ang trabaho mo’y kamay ang pangunahing ginagamit kagaya ng artist, typist, writer, etc., mainam na magsuot ng bracelet o singsing na yari sa hematite or lapis lazuli.

7 - Magdispley ng brass figurine ng kabayo at unggoy sa iyong table sa opisina at sa side tables ng iyong bed. Para balance, ipuwesto ang dalawa sa magkabilang sides ng  working o magkabilang sides ng bed. Puwede rin ang larawan ng dalawang nabanggit na hayop kung walang makitang brass figurine. Ang kabayo ay simbolo ng lakas samantalang ang unggoy ay proteksiyon sa kalusugan.

ANG

GUMAMIT

ITO

KUNG

LAGING

MAGDISPLEY

MAKATULONG

MGA

NAKAKATULONG

PUMILI

PUWEDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with