^

Para Malibang

Weird health advice

ABH - Pang-masa

Mga kakaibang payong pangkalusugan pero epektibo, ayon sa ng mga nakasubok na:

1-Wasabi: Nahihirapan kang makahinga dahil sa sipon na ayaw lumabas. Umorder ng sushi, ang sawsawang toyo na may calamansi ay lagyan ng wasabi. Ang malalasahang anghang ang magiging daan para lumabas ang iyong sipon.

2-Paglalakad nang nakatalikod sa loob ng 30 minuto araw-araw. Isa ito sa paraan ng pagpapapayat ng mga sinaunang Chinese. Tapos tuwing tanghalian at hapunan ay pagkaing maanghang ang kainin. Normal lang ang kakainin sa almusal. Mababawasan ng more or less 10 pounds sa loob ng 3 buwan.

3-Honey pantanggal sa nunal. Kung naaasar na kayo sa nunal na sa palagay ninyo ay perwisyo sa inyong hitsura, pahiran ito ng pure organic honey 2 beses araw-araw. Takpan ng band aid. More or less isang linggo ang hihintayin bago ito matanggal sa inyong balat.

4-Tanggalin ang stress sa pamamagitan ng pagtitig sa pagitan ng kilay. Paano? Pumikit. Imadyinin mo ang gitna ng iyong dalawang kilay. Doon mo ipokus ang iyong concentration. Tawag sa paraang ito ay instant de-stresser.

5-Pahiran ng Vicks Vapor Rub ang talampakan. Magsuot ng makapal na medyas. Nakakatanggal ng ubo.

     

ALIGN

ANG

IMADYININ

ISA

LEFT

MABABAWASAN

MAGSUOT

MGA

NAHIHIRAPAN

QUOT

VICKS VAPOR RUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with