Ang babaing kinakain ang lahat (53)
TALES FROM THE OTHER SIDE (Pang-masa) - November 7, 2014 - 12:00am

HINDI napigilan ni Sofia ang pakikipag-date ni Tatiana kay Giorgio.

 Huli na nang malaman ni Almario na wala sa bahay ang dalagang anak ng amang taga-ibang planeta.

Nasa loob na ng motel si Tatiana, kapiling ang empleyadong si Giorgio.

Galit na galit si Almario sabihin pa. “Bakit mo pinayagan, Sofia?”

“Ayaw papigil, Almario”.  Umiiyak na naman si Sofia.

“Alam mo bang nanganganib sa anak mo ang empleyado ko?”

“Alam ko, pero hindi nga nagpapigil si Tatiana!”

“Saan daw magde-date? Sa bahay ni Giorgio?  Sa motel ba?”

“Ewan ko, Almario! Sasabihin ba naman ‘yon sa akin?”

SA MOTEL Paradiso, napakainit na ng mga tagpo nina Tatiana at Giorgio. Ito ang mga sanda-ling kaya nilang kalimutan ang bukas.

Tipong let the devil take tomorrow.

But Tatiana will take Giorgio’s body; kakainin niya nang mula ulo hanggang paa at sapatos ang guwapong binata.

Si Giorgio ay super-enjoy sa kariktan ni Tatiana a.k.a. Bangs. Umuungol pa nga sa luwalhati ang binatang mahilig.  “Uuunnn. Uuunnn”.

Iyon naman ang lalong nagpatindi sa gutom ni Tatiana. Dapat na siyang kumain. Now na.

NGALOTT. NGASABB.

“Aaaahh!” Isang beses lang nakasigaw si Giorgio. Kumikisay na siyang pumanaw sa mundo.

Walang habag na inubos siya ni Tatiana. Kinain ang lahat-lahat sa binata. Laman, buhok, buto.

Ang mamahaling pares ng sapatos ni Giorgio ay ginawang dessert,  panghimagas.

BURRPP. Kaylakas ng dighay ni Tatiana, kitang-kita sa mukha ang kasiyahan, sa kaganapan.

 

AAAAHH ALAM ALMARIO AYAW BUT TATIANA GIORGIO SI GIORGIO TATIANA UUUNNN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with