^

Para Malibang

‘Haunted hospital’ (20)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SA DOCTOR’S Office, hindi pa rin makapaniwala si Doktor Robles na kaharap na niya ang multo ni Dr. Medina.

Nakaupo na sa likuran ng desk ang matandang manggagamot. Ang multo ng batambatang surgeon ay nakatayo, nakangiti sa kaharap.

Hindi malaman ni Dr. Robles kung paano magsisimula. “K-kuwan, kumusta naman diyan sa bago mong estado, Dr. Medina?”

“I’m fine po. Humingi ng pases mula sa Itaas, kaya narito ako ngayon sa Hope,” suwabeng tugon ng ghost.

“N-nakita mo ba ang mga naunang yumao—mga paborito kong celebrities gaya nina Frank Sinatra, Elvis, Princess Diana, Madonna…?”

“Buhay pa ho si Madonna, Dr. Robles.”

“Oh, yes, of course. Si Karen Carpenter pala ang ibig kong sabihin.”

Nakahanda sa tanong na iyon si Dr. Medina. “Hindi po ako maaaring magdetalye ng mga kaganapan sa bago kong kinaroroonan, Dr. Robles. Dapat pong manatili ang sikreto ng Langit. Hindi dapat mabuwag ang tinatawag na The Great Divide.”

“Gano’n?  Akala ko pa naman ay makakabalita ako…” Nakabawi na ng hinahon ang matandang doktor. “Anyway, magsasabi na ako ng aking proposal, Dr. Medina.”

Tumango ang mabait na multo, handang makinig.

“Doctor Medina…nag-opera ka sa pasyenteng malubha, katulong si Nurse Olga, tama?”

“Tama po. Kinumbinsi ko si Nurse Olga. Pareho po kaming nais makapagligtas ng buhay.”

“Very good! Napakadakila mo, Dr. Medina! Mula sa kabilang buhay ay ninais mo pang makatulong sa mga mortal!” sinserong pahayag ng matandang surgeon. “Sana y magawa ko rin ‘yan, kapag ako’y namatay na!”

“Ang Diyos po ang nagpapasya.”

“Okay, here is my proposal—puwede bang gawin mo nang regular ang pagtulong mo sa amin, dito sa Hope?”

Nagningning ang mga mata ng multo. Tumango.

“Oh my God! Payag ka talaga, Dr. Medina—makakatuwang kita kapag may emergency?”  (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ANG DIYOS

DOCTOR MEDINA

DOKTOR ROBLES

DR. MEDINA

DR. ROBLES

FRANK SINATRA

GREAT DIVIDE

MEDINA

NURSE OLGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with