Boyfriend ko si kamatayan (14)
(Pang-masa) - March 19, 2013 - 12:00am

NAKAALIS na si Negro Angelo ay umuulit pa rin sa diwa ni Lezzy ang huling sinabi nito. “Makikita mo, Lezzy, ako’y 8-feet tall, pang-horror ang mukha.”

Napailing na naman si Lezzy. Si Negro Angelo ay 5’11 lamang, guwapung-guwapo, paano kaya ito magiging walong talampakan?

At makikita raw niyang grabeng pangkatatakutan ang mukha nito?

“Ridiculous ka, Negro. Kung di lang kita mahal na, matagal na kitang pinalitan,” napapabuntunghiningang sabi ng dalaga sa sarili, sa isipan.

Nainis na naman siya nang maalalang hinulaan ni Negro Angelo na sa Linggo ay mamamatay ang kaibigan niyang ba­ding—si Lucille. “Shit, Negro! Kalupitang patayin siya dahil mahal na mahal niya ang kanyang buhay! At batambata pa siya para mamatay!”

Hindi niya nakita sa condo building si Negro Angelo for 2 days. Araw ng Biyernes at Sabado.

Sabado night, naalala niya si Lucille. “Linggo na pala bukas. Oh God…baka magkatutoo na naman ang prediksiyon ni Negro!” Nasa gimikan noon si Lezzy, with her equally rich friends.

Tinawagan niya ang bading. “Hello, Lucille.”

“Lezzy, salamat tumawag ka! Hindi ko alam kumbakit bagsak na bagsak ang feeling ko, friend!”  “Lucille, dadaanan kita bukas, Sunday morning, pupunta tayo sa Tagaytay Ridge.”

“Talaga? Wow, I like that!”

“Bibili tayo ng flowering plants, dadalhin ko ang pick-up.”

“Great! Napakahilig ko sa plants, Lezzy!”

ALAS-nuwebe ng umaga ang usapan nilang magkikita. Saktong nasa meeting place si Lezzy pero wala pa si Lucille.

Kinontak sa landline. Nagri-ring ang phone nina Lucille pero walang sumasagot.  Matiyaga si Lezzy, ayaw ibaba ang phone.

Sa ika-sampung ring ay may sumagot. “Hello?”

Boses-lalake, hindi ang bading. “Pakausap po kay Lucille, kuya.”

“Hindi na siya puwedeng makausap.”

Kinabahan si Lezzy. “Bakit po…?”

“Patay na siya, kinumpirma ng kapitbahay naming duktor, atake sa puso,” deklara ng lalaki.  

Gimbal na gimbal si Lezzy.  (ITUTULOY)

 

LEZZY LINGGO LUCILLE NEGRO NEGRO ANGELO OH GOD SABADO SI NEGRO ANGELO TAGAYTAY RIDGE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with