Content creator, napa-omg sa ginawa ni Dominic!
Sobrang sikat na talaga ng content creator na si Jeraldine Blackman of the Blackman Family dahil siya lang naman ang pinakabagong endorser ng Beautederm na pag-aari ng successful entrepreneur na Rei Anicoche-Tan.
Sa ginanap na contract signing ni Jeraldine last Wednesday, May 22, sa Beautéderm Headquarters in Angeles City, masayang-masaya ang internet sensation sa milestone na ito ng kanyang buhay.
Sa mga hindi masyadong aware, si Jeraldine at ang kanyang pamilya (Australian husband Josh Blackman and they’re two kids, Nimo and Jette) known as the Blackman family ang pinakabagong sumikat na content creator. Milyun-milyon ang views ng videos nila sa social media lalo na nga sa TikTok.
“Ate Rhea contacted me and she said she’s been following me for a long time already. I was very surprised. I had no idea that a well-known businesswoman knows me. We kinda like speak the same language. We’re both Ilocanas,” kwento ni Jeraldine.
Game na game rin niyang sinagot ang mga tanong ng press at nakakatuwa ang sagot niya nag matanong siya tungkol sa showbiz personalities.
Nabanggit kasi ni Jeraldine na marami raw artistang nagla-like ng kanyang posts kaya natanong siya kunh kanino siya kinikilig sa mga artistang ito.
“Oh my God! Si Dominique Roque,” mabilis niyang sagot.
Sey pa niya, “nag-follow nga siya sa ‘kin, tapos tiningnan ko, ay follow-back ako! Kapal-kapal nga ng mukha ko, follow back pa ako, hindi pa ako ‘yung nag-follow.”
So, friends na sila ni Dominic ngayon?
“Oo,” masaya niyang sey.
Nag-follow rin ba sa kanya ang ex-fiancee ni Dom na si Bea Alonzo?
“Hindi,” nakangiti niyang sagot.
Kinilig din daw siya kay KC Concepcion na nag-follow rin sa kanya at nag-message pa sa kanya.
Binanggit din niya si Gabby Concepcion na na-meet pa raw niya sa Isabela at nagpa-picture pa sila.
Samantala, ayon naman sa Beautederm President and CEO na si Miss Rei, perfect na perfect daw si Jeraldine na maging endorser ng kanyang tatlong bagong produkto.
- Latest