^

Pang Movies

Rhian, nakauwi na matapos matulog ng 2 days sa airport

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakauwi na sa Pilipinas si Rhian Ramos pagkatapos ma-stranded sa Dubai International Airport ng dalawang araw dahil sa matinding ulan na nagpabaha maging sa runway ng naturang airport.

Sa pinost ng Kapuso actress sa X (formerly Twitter), pinakita ang nakakalokang sitwasyon sa airport. Kasama na rito ang inilatag niyang sapin sa sahig na nagsilbi niyang higaan. Ipinakita rin niya ang sitwasyon sa connections desk na puno ng mga tao.

 Pagkaraan ng ilang oras, muling nag-post si Rhian na tila matatapos na ang kalbaryo niya sa airport..

Sa kanyang Instagram Stories, pinost ng aktres ang ilang larawan sa pananatili niya sa airport at sinabi niyang dalawang araw siyang natulog sa sahig.
Dahil sa matinding ulan sa UAE na tumagal ng ilang araw, binaha maging runway at maraming flight ang nakansela sa Dubai International Airport.

Anthony, Thea at Garrett, mas nag-shine sa rent

Tatlong produkto ng The Clash ng GMA ay nag-shine sa kanilang performances sa special preview ng Rent The Musical.

Pinalakpakan ang husay nina Anthony Rosaldo, Thea Astley, and Garrett Bolden. Hindi man pinalad na manalo ang tatlo sa sinalihan nilang magkakaibang season sa The Clash, pero bumongga ang singing careers nila dahil sa mga sinasamahan nilang musicals.

Si Anthony na gumanap na Roger sa Rent ay huling napanood sa musical na Ang Huling El Bimbo.

Si Garett na gumanap na Tom Collins, ay lumabas na sa Guam production ng Miss Saigon at Beauty and the Beast.

Si Thea na isa sa divas ng Queendom ng All-Out Sundays at first big musical ang Rent kunsaan gumaganap niya as Mimi.

Rent the Musical in Manila is a rock theater production with music, lyrics, and book by Jonathan Larson. It is loosely based on the 1896 opera La bohème by Giacomo Puccini.

Taylor Swift gumawa ng history, 200 M streams sa isang araw

Nanggulat si Taylor Swift sa pag-drop ng kanyang latest studio album na The Tortured Poets Department last April 19 dahil double album pala ito consisting of 31 songs.

Originally ay 16 songs ang laman pero sumulat pa siya ng 15 extra songs para makumpleto ang kanyang album anthology.

Post niya sa IG: “It is an anthology of new works that reflect events, opinions and sentiments from a fleeting and fatalistic moment in time--one that was both sensational and sorrowful in equal measure. I’d written so much tortured poetry in the past 2 years and wanted to share it all with you, so here’s the second installment of TTPD: The Anthology. 15 extra songs. And now the story isn’t mine anymore… it’s all yours.”

According to Spotify, gumawa agad ng history ang TTPD album as the first album to exceed 200 million streams in a single day.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with