^

Pang Movies

Marco, ilang beses nang nadulas sa relasyon nila ni Heaven!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Selosa pala si Heaven Peralejo at ibinuking ito ni Marco Gallo sa mediacon ng movie nila na Men Are From QC, Women Are From Alabang na showing sa May 1.

Parang nagsumbong sa press si Marco nang sabi­hing pinagseselosan ni Heaven ang mga ex niya.

Walang nagawa si Heaven kundi aminin na totoong selosa siya at ang ganda ng ngiti nito sa follow-up ni Marco na “ikaw na.” Ang ibig sabihin, si Heaven na ang mahal niya kaya wala na itong dapat ipagselos.

“Pretty aware of Heaven’s ex” ang sagot ni Marco kung kilala niya ang mga naging ex-boyfriend nito na ang isa ay ang kapwa niya Viva artist talent na si Kiko Estrada.

In a relationship na nga yata sila at hindi na lang basta love team. Ilang beses ngang nadulas si Marco sa mediacon at kulang na lang sabihing GF niya ito, kaya lang, hindi tinutuloy ang sasabihin, bigla siyang kambiyo.

Marami ang makaka-relate sa bagong pelikula ni Director Gino M. Santos na based sa best-selling book ni Stanley Chi dahil marami sa magkakarelasyon ang nakatira sa Quezon City at Alabang. Talagang bumibiyahe ng ilang oras ang mga taga-QC at Alabang para mabisita ang kanilang mga dyowa.

May paalala ang movie na “Get ready to both feel the kilig and the heartbreak. Will be willing to fall in love and try again despite it all.”

Vicky, niligawan ni Shaira!

Para sa 13th anniversary ng Good News, ang magazine show ni Vicky Morales, nagpunta sa South Korea ang host kasama si Shaira Diaz, na certified Korean culture fanatic. Dadalhin nila ang viewers sa Jeollanam-do. Ang newest popular travel destination sa South Korea.

Unang pinuntahan nina Vicky at Shaira ang Purple Island na lahat ng makikita ay kulay purple. Tampok din ang experience ni Shaira sa island na dinarayo ng BTS fans.

Bumisita rin sila sa location kung saan kinunan ang K-drama na Hotel de Luna at nag-segue sila sa isang park na equivalent sa ating Luneta Park. 

Isa pang highlight ng magazine show ay nang tanungin ni Shaira kung puwede ba siyang maging ninang nila ni EA Guzman sa kanilang 2025 wedding. Umoo kaya si Vicky?

vuukle comment

HEAVEN PERALEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with