^

Pang Movies

Carla, rumesbak sa mga reklamo sa kanyang paninda!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

May mas mahabang sagot si Carla Abellana sa naging controversial na online selling niya ng kanyang pre-loved items.

Sa interview sa kanya sa 24 Oras, itinanggi ang reklamo ng ilang netizens na hindi nag-match ang quality ng pre-loved items niya sa presyo na mahal daw. “’Di ‘yun totoo, grabe kayo. I would sell something na much less naman than how much I got it for ‘di ba, lalo na ‘yung condition niya depende rin doon,” sagot ni Carla.

“Well, choice naman nila ‘yun if they’re interested or if they want to buy or not,” dagdag ni Carla.

May reaction pa rin ang netizens sa pahayag niya na ito, hindi raw na-address ang isa pa nilang concern at ito ay ang hindi muna nilinis ang item bago i-post.

Marumi raw ang ilang items gaya ng shoes and bags at hindi ka gaganahang bilhin. Sana raw, ipinamigay na lang niya ang mga luma niyang gamit para walang violent reaction ang netizens.

Solenn, ‘di nakatanggi sa Encantadia

Balik-showbiz na si Solenn Heussaff sa Encantadia Chronicles: Sang’gre at gagampanan pa rin niya ang role ni Cassiopea. Masaya ang Encantadiks na siya pa rin ang gaganap sa nasabing iconic role dahil wala silang maisip na ibang Kapuso star na bagay gumanap sa nasabing role.

Matagal na siyang on leave sa showbiz dahil nag-focus sa pagiging wife and mother lalo na at dalawa na ang mga anak nila ni Nico Bolzico.

Saka, nagpagawa pa sila ng bahay na kailangang tutukan mula sa construction hanggang sa interior design at pamimili ng furnitures at lahat ng mga gamit sa kanilang napakagandang bahay.

Sa isang interview, nabanggit niya na “ready” na siyang balikan ang showbiz at kahit daw hindi pa siya ready, kapag ang Sang’gre ang i-offer sa kanya at role ni Cassiopeia ang io-offer ng GMA 7, kanyang tatanggapin.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with